Members | Sign In
All Forums > News
avatar

Updates

posted Feb 09, 2012 03:25:23 by kschannot@gmail.com
Victims located at Tayasan and Guiholngan are in dire need of drinking water, food and medicine. In Tayasan alone, there are 100 families affected and inaccessible to four-wheel drives. Donations need to be distributed via Habal Habal (a form of motorcycle transport). We have volunteers helping out on ground work, but we need donations for food, water, etc.
[Last edited Feb 09, 2012 03:25:49]
page   1
2 replies
avatar
kschannot@gmail.com said Feb 10, 2012 00:47:30
avatar
kschannot@gmail.com said Feb 10, 2012 00:51:44
Damaged roads and bridges slow down Negros Aid

Tulong para sa Negros, hirap itawid dahil sa wasak na tulay, kalsada





Buhos ang tulong para sa mga na-isolate na bayan ng Negros Oriental kaninang umaga.

Pero dahil sa gumuhong tulay dahil sa lindol, hirap ang lahat na itawid ang tulong na ito.

Ang iba, binuhat na lamang ang mga sako ng bigas at mga galon ng tubig.

Pero dahil hagdan lamang ang pwedeng daanan, kailangan maghintay dahil maging ang mga nasawi sa lindol, dito idinadaan.

Ang iba, nakipagsapalarang tumawid sa ilog.

Pero sa lakas ng agos at taas ng tubig, mismong mga tao at mga motorsiklo, kinakarga na.

Nagpadala na rin ng trak-trak na donasyong pagkain, tubig at gamot ang Dumaguete City.

Pilit itong itinawid sa ilog, pero sumuko ang mga sasakyan pagsampa sa pampang dahil malambot ang lupa.

Ihahatid ang tulong sa La Libertad at Guihulngan City.

“As you can see, we cannot really cross. We are bringing relief goods for Dumaguete City. We want to hit up to Guihulngan but it seems we cannot pass because of the destroyed bridges,” sabi ni Dumaguete Mayor Manuel Sagabarria.

Maging ang Sagip Kapamilya, manu-manong binuhat ang mga sako ng donasyon at inangkas sa mga habal-habal para lamang madala sa bayan ng La Libertad.

Sa Poblacion, naroon na rin ang mga military na kumukuha ng tubig mula sa ilog at dini-distill para mabigyan ang mga residente, tulad ni Mylene na apat na oras nang nakapila.

“Naghintay kami na mabigyan kami at makainom kami ng tubig,” sabi ng residenteng si Mylene Maribao.

Pinuntahan ng Sagip Kapamilya ang liblib na Barangay Maragondong at namigay ng pagkain sa mga residenteng nawalan ng bahay at pansamantalang namamalagi ngayon sa mga tent sa bakanteng lote.

“Masaya ako na maraming tumulong sa amin kahit hindi nila kami kilala, tumutulong sila sa amin ng kusang loob nila,” sabi ng residenteng si Wemacar Gargoles.

02/09/2012 9:20 PM
Login or register to post comments

We recommend
Paano nangyari ang lindol sa Visayas? (TV Patrol Videos)
2 estudyante nahuling nagtatalik sa kotse sa QC (TV Patrol Videos)
Iggy's remains to be repatriated on Friday (Bandila Videos)
Mga taga-Negros dinaan sa karatula ang paghingi ng pagkain (TV Patrol Videos)
Pinay in UK accused of scamming Pinoys (Bandila Videos)
[?]
[Last edited Feb 10, 2012 00:52:53]
Login below to reply: